Umakyat na sa labingsiyam ang naitatalang bilang ng kaso ng Zika virus sa bansa.
Ayon kay Department og Health (DOH) Usec. Gerardo Bayugo, labingdalawa sa nasabing kaso ay nagmula sa Western Visayas, tatlo sa National Capital Region, tatlo sa Calabarzon at isa sa Central Visayas.
Ang panibagong kaso ayon kay Bayugo ay galing sa lalawigan ng Cavite na isang babae na nasa 40-anyos at batang lalaki na nasa edad 10-12.
Kaugnay nito, isinagawa sa lungsod ng Pasay ang National Summit hinggil sa Zika virus kung saan tinatalakay ang action plan ng DOH kaugnay sa nasabing sakit.
Ayon kay Dr. Arthur Dessi Roman ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), bukod sa ordinaryong pamamaraan ng pakikipagtalik nakukuha ang Zika sa pamamagitan ng anal at oral sex.
Bukod dito ang sharing ng mga sex toys ay sanhi rin ng pagkakuha ng nasabing virus.
Sinabi naman ni Dr. Ricardo Manalastas ng University of the Philippines-Philippine General Hospital na para makaiwas sa Zika virus maaring gumamit ng condom sa anumang pamamaraan ng pakikipagtalik.
Huwag din aniyang makipagpalitan ng sex toys.
Makabubuti rin ayon kay Dr. Manalastas na huwag na munang makipag-sex.
Sa mga buntis payo naman ni Dr. Manalastas na dapat magpa ultasound upang malaman kung may defect sa kanilang mga sanggol.
Dinadaluhan ang nasabing summit ng iba’t ibang sektor sa bansa gayundin ng mga international at local health experts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.