Sulu Gov. Abdusakur Tan, 3 iba pa, pinatawan ng suspensyon ng Ombudsman

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2016 - 02:48 PM

ombudsmanPinatawan ng suspensyon ng Office of the Ombudsman ang apat na lokal na opisyal sa lalawigan ng Sulu kasama si Sulu Governor Abdusakur Tan II.

Maliban sa gobernador, pinatawan din ng suspensyon ang kapatid niyang si Mayor Samier Abubakar Tan ng bayan ng Maimbung

Kasama din sa pinasusupinde ang kanilang ama na si dating Vice Governor Abdusakur Tan, pero dahil wala na ito sa pwesto, inatasan na lamang itong magmulta ng halagang katumbas ng anim na buwan niyang sweldo.

Ayon sa Ombudsman, si Mayor Tan at ang isa pang alkalde na si Mayor Al-Zhudurie Asmadun ng munisipalidad ng Lugus ay pinatawan naman ng anim na buwang suspensyon.

Ito ay makaraang mapatunayan ng Office of the Ombudsman na guilty ang nabanggit na mga opisyal sa hindi paghahain o maling paghahain ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Si Governor Tan II naman ay napatunayan lamang na guilty sa simple neglect of duty dahil sa kabiguang panumpaan ang kaniyang 2013 at 2014 SALN.

Isang buwan na suspensyon lamang ang ipinataw sa gobernador.

Hiniling ng Ombudsman sa Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang kautusan.

Ang reklamo ay inihain noon pang taong 2015.

 

 

TAGS: Ombudsman suspends Gov. Abudsakur Tan, Ombudsman suspends Gov. Abudsakur Tan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.