NCRPO at i-ACT, nag-inspeksyon sa mga terminal ng bus, 4 na bus sa Araneta Center, hindi pinabiyahe

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2016 - 01:02 PM

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Nagsagawa ng inspeksyon sa Araneta Center Bus Terminal ang National Capital Region Police Office at ang mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero.

Sa isinagawang inspeksyon, apat na pampasaherong bus agada ng nasampolan ng LTFRB at hindi pinayagan na makabiyahe.

Kabilang dito ang dalawang Lucena Lines na ang isa ay walang kopya ng OR/CR at ang isa naman ay walang lisensya ang kunduktor.

Hindi rin pinayagan na makaalis ang isang bus ng Silver Star patungo sa Leyte dahil sa kalbo nang gulong nito at kulang pa ang turnilyo.

Habang isa pang bus ang hindi rin pinaalis dahil sa basag ang windshield.

Ang operasyon ng i-ACT sa mga bus terminal ay sinabayan din ng anti-colorum operations sa Cubao.

Sa bahagi ng P. Tuazon, apat na colorum na sasakyan ang nahuli.

Ayon sa i-ACT pawang walang prankisa ang mga Van na nahuli nilang bumibiyahe at nagsasakay ng pasahero.

 

 

 

TAGS: Araneta Center Bus terminal, Araneta Center Bus terminal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.