Bagyong Hanna, papasok sa PAR sa Miyerkules

August 03, 2015 - 06:46 AM

Guam Satellite Image
Guam Satellite Image

Isang bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ngayong linggong ito na inaasahang makapagpapalakas sa umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Forecaster Jory Lois, sa Miyerkules papasok ng PAR ang bagyong may International name na “Soudelor”.

Sa ngayon ay nasa 970 kilometers pa ang layo nito sa PAR. Isa na itong typhoon at may lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 190 kilometers kada oras. Papangalanang Hanna ang bagyo sa sandaling pumasok na ng bansa.

Ayon kay Lois, maliit ang tsansa na ito ay tumama sa lupa pagpasok ng PAR, pero palalakasin nito ang habagat na makapagpapa-ulan sa Visayas at Mindanao at maging sa Luzon kasama na ang Metro Manila.

Unang makararanas ng epekto ng habagat na pinalakas ng bagyong Soudelor ang Visayas at Mindanao, at sa Huwebes o Biyernes ay mararanasan na ito sa Metro Manila.

Bagaman pataas ang direksyon ng bagyo ay malaki ang diemetro nito kaya hahatakin nito ang habagat at makapagpapaulan sa halos buong Pilipinas./Dona Dominguez Cargullo

TAGS: Typhoon Soudelor, Typhoon Soudelor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.