Pinahirapan muna bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang investigative journalist sa bansang Mexico.
Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Ruben Espinosa, tatlumpu’t isang taong gulang at journalist ng “Proceso” na kilalang investigative magazine na naka-base sa Mexico City.
Bukod sa problema sa droga, karaniwan ding inilalathala sa naturang magazine ang mga kaso ng kurapsyon sa kanilang bansa. Natagpuan ang bangkay ng biktima katabi ang apat pang mga bangkay ng mga babae sa loob ng isang apartment sa Veracruz Mexico.
Sinabi ng Article 19 Free Press Advocacy Group na pang-labing isa na sa listahan ng mga napapatay na journalists si Espinosa mula nang maluklok sa pwesto ang Governador ng Veracruz na si Javier Duarte.
Ayon sa naturang grupo, bago napatay ang naturang mamamahayag ay tumanggap muna sya ng kaliwa’t kanang mga pagbabanta mula umano sa ilang tauhan ng pamahalaan na sabit sa kurapsyon./ Den Macaranas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.