Inter-Agency Council on Traffic nag-inspeksyon sa terminal ng bus

By Dona Dominguez-Cargullo October 27, 2016 - 11:16 AM

Araneta Center Bus Terminal | Kuha ni Ricky Brozas
Araneta Center Bus Terminal | Kuha ni Ricky Brozas

Ininspeksyon ng mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (iACT) ang mga terminal ng bus bilang paghahanda sa paggunita ng Undas.

Nagtungo ang mga tauhan ng LTFRB, HPG, MMDA at LTO sa Araneta Center Bus Terminal para alamin kung nakasusunod pa roadworthiness requirements at safety precautions ang mga pampasaherong bus.

Sa pag-iinspeksyon, dalawang bus ng DLTB ang natuklasan na walang permenteng route markings na nakapinta sa bus.

Pinayagan naman na makabiyahe ang bus pero ang driver at operator ng nasabing bus company ay inisyuhan ng report summons at inatasan na maglagay ng karampatang markings sa loob ng 72-oras.

Ayon sa LTFRB, ang mga visible markings sa mga bus ay dapat kinabibilangan ng plate number, case number, ruta at LTFRB hotlines.

Samantala, sa terminal naman ng Alps Bus, isang kunduktor ang hindi pinayagan na makasama sa biyahe dahil sa kawalan ng conductor’s license.

Isa bus naman na pag-aari ng kumpanyang Dominion Bus ang hindi pinayagang makabiyahe sa Abra.

Ito ay matapos makita sa pag-iinspeksyon na kulang-kulang ang screw ng dalawang gulong nito.

 

 

 

TAGS: Araneta Center Bus terminal, Araneta Center Bus terminal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.