Dalawang taon, palugit ni Duterte sa mga dayuhang sundalo sa bansa
Dalawang taon na lamang ang ibinibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para umalis na sa bansa ang mga dayuhang sundalo dito sa bansa.
Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa kaniyang talumpati sa harap ng mga Pilipino at Japanese na negosyante sa isang economic forum sa Tokyo, Japan.
Ayon kay Duterte, handa siyang wakasan ang anumang umiiral na mga kasunduan ngayon upang maisakatuparan ang nais niyang mangyari.
Giit ng pangulo, itutuloy niya ang pagsusulong ng independent foreign policy at nais niya na sa susunod na dalawang taon ay malaya na mula sa mga dayuhang sundalo ang Pilipinas.
Bago ang pahayag na ito, ilang beses nang sinabi ng pangulo na nais na niyang paalisin ang mga dayuhang sundalo dito partikular na ang mga Amerikano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.