U.P binoykot ang UAAP cheerdance competition ngayong taon
Malungkot na inanunsiyo ng University of the Philippines Varsity Pep Squad na hindi sila magiging bahagi ng UAAP Cheerdance Competition ngayong taon.
Sa isang Facebook post, sinabi ng UP Pep Squad na ang hindi naresolbang protesta nila noong nakaraang taon ang rason kung bakit umatras na sila sa naturang kumpetisyon.
“Last year was one of the most striking seasons in the history of our team. If you have been following our story since, thank you for your interest and patience. Finally, we can share the news to those who have been wondering that, regretfully, we will not be part of this season’s UAAP Cheerdance Competition.” nakasaad sa Facebook post ng UP Pep Squad.
Matatandaan na noong nakaraang taon, naghain ng letter of protest ang coach ng UP Pep Squad na si Lalaine Juarez-Pereña kung saan kinukwestyon nito ang resulta ng 2015 UAAP Cheerdance Competition.
Sa naturang resulta, 2nd runner up lamang ang UP Pep Squad habang 1st runner up ang UST Salinggawi Dance Troupe at NU Pep Squad ang panalo.
Pero sa kabila ng protesta ng UP, hindi sinagot ng organizers ng kumpetisyon ang ilang sa mga punto na kanilang iginigiit.
Nagsilbing host school ang University of the Philippines noong nakaraang UAAP Season 78.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.