Timbog ang isang Malaysian terrorist sa bayan ng Maluso sa Basilan matapos siyang mamataang palabas na ng bansa.
Ayon kay 104th Army Birgade commander Col. Cirilo Donato, tiniktikan nila ang nasabing terorista na sa ngayon ay hindi pa pinapangalanan dahil sa mga ulat na siya ay nakasama sa isang grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Tipo-Tipo.
Ani pa Donato, inaalam pa ng intelligence ng militar kung ang nasabing suspek ay nagturo ng paggawa ng bomba sa mga miyembro ng Abu Sayyaf.
Nang maaresto kasi ito, may isinuko itong isang improvised explosive device.
Minsan na tin aniyang namataan ang nasabing suspek na may bitbit na bandera ng Islamic State sa ilang mga engkwentro sa pagitan nila at ng mga militar sa Brgy. Baguindan.
Sa ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng intelligence unit ng militar ang suspek, habang sabay na binabantayan ang umano’y presensya ng dalawang Arabo na sinasabing nagtatago kasama ng Abu Sayyaf.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.