Ex-Rep. Judy Syjuco ng Iloilo, kinasuhan dahil sa ‘ghost cellphones’

By Isa Avendaño-Umali October 26, 2016 - 04:19 AM

 

nokia-1100Sinampahan sa Sandiganbayan ng kasong graft at malversation through falsification si dating Iloilo Rep. Judy Syjuco dahil sa umano’y ‘ghost delivery’ ng cellphones.

Kapwa akusado ni Syjuco ang mga opisyal ng DOTC partikular ang mga bumubuo ng bids and awards committee kasama din ang negosyanteng si Domingo Samuel Jonathan Ng.

Nag-ugat ang kaso noong 2005 nang umano’y magsabwatan ang mga akusado para palabasin na nag-order ng 1,582  units ng Nokia 1100 para i-deliver sa distrito ni Syjuco.

Nagbayad umano ang DOTC ng 5.9 million pesos para dito sa West Island Beverages Distributor na pag-aari ng negosyanteng si Ng.

Pero lumabas sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman na hindi nagkaroon ng ganitong transaksiyon at hindi rin nagkaroon ng delivery ng cellphones.

Sa kabila nito, nakolekta naman umano ng West Island ang 5.9 million pesos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.