Tinupok ng apoy ang tatlumpu’t anim na bahay sa Cebu City, Martes ng umaga.
Sa ulat ng Cebu Daily News, 36 ang tuluyang naabo at may pitong iba pang bahay ang nagtamo din ng pinsala.
Nagsimula ang sunog alas 4:20 ng umaga sa Barangay Suba.
Ayon kay Senior Fire Investigator 1 Edwin Andayan, posibleng ang sunog ay nagmula sa sinindihang lampara sa bahay ni Edwin Bacalso.
Naideklara namang under control ang sunog alas 5:10 ng umaga.
Inaalam pa kung magkano ang halaga ng natupok na mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.