Ilang araw bago ang Undas, mga terminal ng bus sa Araneta Center sa Cubao, naghahanda na

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2016 - 09:58 AM

Araneta Center Bus Terminal | Kuha ni Ricky Brozas
Araneta Center Bus Terminal | Kuha ni Ricky Brozas

Ilang araw bago ang paggunita sa Undas, handa na ang mga kumpanya ng bus sa Araneta Center Bus terminal sa Quezon City sa pagdagsa ng mga pasahero.

Ayon sa dispatcher ng ALS Bus lines na si Bobby Mape, ngayon pa lamang punuan na ang kanilang mga bus na umaalis kada 30-minutos.

Inaasahan ni Mape na dodoble ang bilang ng mga pasahero pagsapit ng Biyernes, October 28.

Tiniyak din nito ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero dahil may GPS o Global Positioning System na ang kanilang mga bus para masiguro na 80 kilometers per hour lamang ang speed ng kanilang mga sasakyan.

Sinabi naman ni Ricardo Velasquez, dispatcher ng KL Bus lines, walang umento sa pasahe sa kanilang sasakyan kahit dagsa ang pasahero dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng batas.

Mahigpit ding ipinatutupad ang seguridad sa terminal kung saan ibinubusisi ang bawat dalang bagahe ng mga pasahero.

 

 

 

TAGS: Araneta Center Bus terminal, Undas 2016, Araneta Center Bus terminal, Undas 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.