Mariing kinokondena ng mga militante na sumugod sa Kampo Crame ang inilabas na subpoena ng PNP para sa ginagawang imbestigasyon sa marahas na dispersal sa mga ralliyista sa harap ng US Embassy noong nakaraang linggo.
Ayon kay Jerome Succor Aba mula sa grupong Suara Bangsamoro, hindi sila ang dapat na isina-subpoena dahil sila raw ang biktima.
Maliban dito, wala rin silang tiwala sa isinasagawa ngayong sariling imbestigasyon ng PNP CIDG kaya hindi nila sisiputin ang pagpapatawag sa kanila.
Kaugnay nito, nananawagan ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng isang independent investigating body para matukoy kung sino ang may pananagutan sa nangyaring insidente.
Giit ng grupo, gusto nilang pangunahan nina Pangulong Duterte, Chief PNP Ronald bato dela Rosa at DOJ ang bubuing investigating body.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.