Disaster response unit sa Sorsogon, naka-blue alert dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon
Nasa blue alert status ang provincial disaster response unit ng Sorsogon matapos maitala ang ikaapat phreatic eruption sa Bulkang Bulusan kahapon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, inalerto na ng provincial unit sa lugar ang anim na munisipalidad sa paligid ng Bulkang Bulusan.
Kabilang na dito ang Casiguran, Barcelona, Gubat, Juban at Irosin.
Mahigpit na binabantayan ng risk reduction and management councils ang aktibidad ng bulkan.
Ang huling pagbuga ng abo ng bulking Bulusan ay may taas na 2.5 kilometro at naitala dakong 3:30pm ng Linggo.
Base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nagmula ang phreatic eruption sa summit crater o sa bunganga nito.
Nakapagtala rin ang Phivolcs ng maliit na eruption sa southeast vent ng Bulkan.
Nagkaroon din ng pagyanig o explosion-type earthquake na nagtagal ng 15-minuto.
Apektado naman ng ash fall o pagbagsak ng abo sa mga barangay Guruyan, Buraburan, Putting Sapat at Bacolod sa Juban.
Bagaman nananatili sa alert level 1 ang bulkan, pinalawak naman na mula apat na kilometro hanggang sa anim na kilometro ang danger zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.