Grupo ng mga eksperto sa Beijing, ‘hero’ ang tingin kay Duterte
‘Hero’ umano ang tingin kay Pangulong Rodrigo Duterte ng grupo ng mga eksperto sa Beijing.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni National Security Expert, Prof. Rommel Banlaoi na bago pa man ang state visit ni Pangulong Duterte sa China, ay may mga nakausap na siyang eksperto sa Beijing.
Kabilang sa mga nakausap ni Banlaoi ay mga eksperto mula sa military academy at foreign affairs.
Ani Banlaoi, hanga ang mga ito sa lakas ng loob ni Duterte na banggain ang Estados Unidos at baguhin ang foreign policy ng Pilipinas.
Bilib din umano ang grupo ng mga eksperto sa Beijing sa kampanya ni Duterte kontra ilegal na droga.
“Ang mga eksperto sa Beijing, ang tingin nila kay Duterte ay hero dahil sa lakas ng loob niya na bnaggain ang US at i-launch ang campaign vs drugs. Sumasaludo sila kay Duterte sa tapang na ipinakikita niya,” ani Banlaoi
Tiwala naman si Banlaoi na pakikinabangan ng sambayanan ang mga kasunduang nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa sa nakalipas na state visit.
Katunayan, ayon kay Banlaoi, bago pa ang state visit, tumulong na ang China sa Pilipinas, nang pondohan nito ang pagpapatayo ng rehabilitation center sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.