Nadiskubreng shabu lab sa Isabela, binisita ni PNP Chief Dela Rosa
Bumiyahe kagabi patungo sa Cauayan, Isabela si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” Dela Rosa para inspeksyunin ngayong umaga ang isang malaking shabu factory na nadiskubre sa lugar.
Ayon kay PNP spokesperosn Sr. Supt. Dionardo Carlos, tumulak si Dela Rosa patungo ng Cauayan, alas 8:00 ng gabi kagabi matapos na madiskubre ang mga industrial-sized equipment na ginagamit sa pagluluto ng shabu.
Natagpuan sa isang warehouse sa 101 Prenza Maharlika Highway, District 1, Cauayan City, Isabela, ang dalawang malaking hydrogenator na ginagamit sa pagluluto ng shabu kasunod ng raid na isinagawa ng PDEA kahapon.
Sa nasabing raid, dalawang hinihinalang drug traffickers ang napatay at ang isa ay kinilalang si Kim Punzalan Uy, isang Filipino-Chinese na gumagamit ng mga alyas na Atong Lee, Chua at Lung.
Ang isa pang nasawi ay hindi pa nakikilala pero isa rin umano itong Chinese-looking man.
Ayon sa mga otoridad, pinaputukan ng dalawang suspek ang raiding team nang papasok na sila sa lugar.
Ito na ang pangalawang mega shabu lab na nadiskubre ng mga otoridad kasunod ng unang mega shabu lab na natagpuan sa Barangay Lacquios sa Arayat, Pampanga noong Setyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.