DOLE, pinaalalahanan ang pribadong sektor ukol sa random drug testing sa mga empleyado

By Angellic Jordan October 23, 2016 - 08:48 AM

 

silvestre-bello-e1463663221184
DOLE Sec. Silvestre Bello

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang iba’t ibang kumpanya kaugnay sa pagsasagawa ng random drug testing sa hanay ng kani-kanilang mga empleyado.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, istriktong iniimplementa ito ng ahensiya base sa Department Order 53-03 tungkol sa mga alituntunin sa mga polisiya at programa ng Drug-Free Workplace.

Paglilinaw ni Bello, pasok sa nasabing department order ang lahat ng nasa pribadong sektor, maging ang mga contractor at concessionaires nito.

Maliban sa mga polisiya at programa kaugnay sa drug abuse prevention and control, dapat din aniyang paigtingin ng mga sektor ang pag-iimplementa ng adbokasiya, edukasyon, training, drug testing program, treatment, rehabilitation and referral, at monitoring and evaluation para sa kanilang mga empleyado.

Kapag lumabas na positibo ang isang empleyado, sinabi ng DOLE secretary na hindi dapat tanggalin agad sa trabaho ang apektadong empleyado at sa halip, pag-aaralan ang resulta at alamin ang pangangailangan nito.

Dagdag pa ni Bello, kailangang alalayan ito sa rehabilitation centers ng Department of Health o DOH lalo na kung unang beses na nagpositibo ang empleyado sa nasabing drug testing.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.