Somali pirates, pinalaya ang 26 na mandaragat, kasama ang ilang Pinoy
Pinalaya na ng Somali pirates ang dalawampu’t anim na Asian sailors na binihag apat na taon na ang nakalilipas mula nang ma-hijack ang kanilang barko sa Indian Ocean.
Kabilang sa mga pinakawalang ng mga pirata ay mga mandaragat mula sa China, Cambodia, Indonesia, Vietnam, Taiwan at Pilipinas.
Ang mga ito ay nabihag sa Dabagala, malapit sa Haradheeree mula noong February 2012.
Napaslang ang kapitan ng barko, habang dalawa sa mga mandaragat ay nasawi dahil sa karamdaman habang sila’y hostage ng mga pirata.
Ang pagkakabihag sa crew ay isa sa pinakamatagal sa rekord ng Horn of African nation.
Matapos na mapalaya, ang crew ay inaasahang ililipad sa Nairobi, Kenya.
Hindi naman malinaw kung nagbayad ba ang mga nabihag ng ransom para sa kanilang kalayaan.
Batay din sa ulat, ang sasakyang-pandagat ng crew ay lumubog na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.