Pangulong Duterte, nakauwi na mula sa state visits sa Brunei at China

By Kabie Aenlle October 22, 2016 - 01:56 AM

duterte from chinaMagha-hatinggabi na ng Sabado nang maka-uwi si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City mula sa kaniyang magkasunod na state visits sa Brunei Darussalam at China.

Pagkadating niya, humarap agad siya sa media para magbigay ng maiksing pahayag.

Kwento ng pangulo, nagkaroon siya ng “renewed optimism” sa ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas sa China.

Para aniya makamit ito, kailangang magkasundo ang dalawang bansa na magsagawa lagi ng mga bilateral consultations upang matalakay ang mga isyu kaugnay sa mga teritoryo sa South China Sea.

Sa kaniyang pakikipagusap aniya kay Chinese President Xi Jinping, nagkasundo naman sila na idaan sa mapayapang pamamaraan alinsunod sa international law ang lahat ng mga isyung namamagitan sa dalawang bansa.

Ibinahagi rin ng pangulo na 13 deals ang naisara niya sa China na inaasahang magbibigay ng trabaho sa dalawang milyong Pilipino sa loob ng susunod na limang taon.

Samantala, sa pagpunta naman niya sa Brunei, nagkaroon naman aniya ng kasunduan na mas pagtibayin pa ang trade and investment sa pagitan nito at ng Pilipinas.

Maari rin aniyang maging “twin hubs” ang Brunei at Mindanao sa paggawa at pag-export ng mga halal-certified na mga produkto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.