Korean national at 1 Pinoy, dinukot ng Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi
Inatake ng hinihinalang mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group ang isang Korean cargo vessel sa karagatan ng Bongao, Tawi-tawi
Sa ulat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command, spokesperson Major Felimon Tan, nangyari ang pag-atake ng mga bandido sa pamumuno ni Jul Hassan kahapon.
Sakay ng barko na MV Dong Bang Giant 2 ang kapitan ng barko na Park Chul Hong isang Korean national habang ang isa pang crew ng barko ay isang Pinoy na kinilalang si Glenn Alindajao na taga-Cebu.
Ang dalawa ay kapwa tinangay ng nasa sampung bandido.
Sinasabing ang mga bandido ay followers ni Abu Sayyaf sub-leader Idang Susukan na nakabase sa Sulu.
Sa ngayon inalerto na ng Joint Task Force Tawi-Tawi ang lahat ng kanilang units para mailigtas ng buhay ang mga dinukot na dalawang tripulante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.