6 na paliparan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Lawin, balik-operasyon na
Balik na sa normal ang operasyon ng anim na paliparan na isinara kahapon dahil sa sama ng panahon bunsod ng pananalasa ng bagyong Lawin.
Sa abiso ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), balik sa normal na ang operasyon ngayong araw ng mga paliparan sa Laoag, Baguio, Lingayen, Tuguegarao, Cauayan at Vigan.
Tanging ang paliparan na lamang sa Palanan at San Fernando ang nananatiling sarado at hindi pa nagagamit ayon sa CAAP.
Kahapon isinara ang nasabing mga paliparan, dahil sa epekto ng bagyong Lawin sa mga lalawigan.
May mga lansangan kasi na patungo sa mga airport ang nabarahan ng mga debris, gaya ng nagbagsakang poste at puno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.