Matapos manalasa ang bagyong Lawin, Pilipinas, isang linggong pahinga sa bagyo
Wala pang namamataang bagyo na papalapit sa bansa, matapos ang pananalasa ng bagyong Lawin sa mga lalawigan sa Northern part ng Luzon.
Ayon kay PAGASA forecaster Glaiza Escullar, wala pa silang nakikita bagyo na papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ani Escullar, maaring sa susunod na buwan na muli o sa Nobyembre, magkaroon ng sama ng panahon sa bansa.
Ang bagyong Lawin ay nakalabas na ng bansa kagabi at ngayon ay nagbabanta namang manalasa sa Hong Kong.
Ngayong araw, makararanas na ng magandang panahon ang malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na lamang ang mararanasan sa Ilocos Region gayundin sa mga lalawigan ng Benguet, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan at sa Davao Region.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng bansa ay isolated rainshowers lamang o thunderstorms ang iiral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.