Mahigit 100 libong indibidwal, naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Lawin
Aabot sa mahigit isang daang libong indibidwal, o mahigit 20 libong pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Lawin sa anim na rehiyon sa bansa.
Sa update mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), as of 3AM ngayong araw ng Biyernes, sa 461 na barangays sa bansa mula sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 5 at Cordillera Administrative Region (CAR), nasa 104,242 na katao ang naapektuhan.
Sa nasabing bilang, nasa 53,433 na katao ang inilikas mula sa kani-kanilang mga bahay o katumbas ng 13,828 na pamilya.
Sa ngayon, bukas pa rin ang 331 na evacuation centers at kinukupkop pansamantala ang aabot sa 40,515 na katao o 10,606 na pamilya.
Habang nasa 10,943 na indbidwal o 2,691 na pamilya ang pansamantalang nakitira sa kanilang mga kaanak.
Patuloy pa ang isinasagawang rapid assessment ng DSWD sa Cagayan, Isabela at Region 2 para matukoy ang lawak ng pinsala at dami ng naapektuhan ng bagyong Lawin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.