Sibak sa trabaho ang Bangkok Bureau Chief ng network na TV Asahi Japan makaraang aksidenteng mapadala nito ang larawan ng kanyang ‘ari’ o private parts sa mobile forum na binuo ng foreign ministry ng Thailand para sa mga mamamahayag.
Ayon sa tagapagsalita ng TV Asahi, tinanggal na sa serbisyo ang hindi pinangalanang journalist dahil sa “extremely inappropriate behavior”.
Ayon sa Japanese media, ipapadala sana ng naturang mamamahayag ang larawan ng kanyang ‘ari’ sa isang babaeng kaibigan nang aksidente umano itong maipadala sa sikat na messaging app na ‘Line’ .
Napag-alaman na may 150 miyembro na pawang mga mamamahayag din na nakabase sa Thailand ang group forum na napadalhan ng larawan ng kanyang ‘ari’ ang naturang journo na binuo ng Thailand Foreign Ministry.
Agad namang nagpaumanhin ang TV Asahi dahil sa naging asal ng kanilang bureau chief .
Gayunman, humihingi naman ng paliwanag ang Foreign Ministry ng Thailand sa iniasal ng reporter ng TV Asahi at nangakong gagawa ng kaukulang aksyon sa insidente./ Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.