Yellow rainfall warning, itinaas sa ilang bahagi ng Central Luzon

By Kabie Aenlle October 20, 2016 - 04:30 AM

 

Yellow Rainfall WarningNag-anunsyo ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang bahagi ng Central Luzon, dahil sa pag-ulan na dulot ng super bagyong “Lawin.”

Itinaas ang Yellow rainfall warning sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bulacan at Tarlac.

Babala ng PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha ang mga mabababang lugar sa mga nabanggit na lalawigan.

Samantala, makakaranas naman ng mahina at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na maaring tumagal ng hanggang tatlong oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.