US dapat nang mamaalam sa Pilipinas ayon kay Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle October 20, 2016 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

“Time to say goodbye, my friend.”

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika sa kasagsagan ng kaniyang talumpati sa harap ng mga Pilipino sa China.

Ayon sa pangulo, hindi naman masyadong nakinabang ang Pilipinas sa pamamalagi rito ng Estados Unidos, kaya ito na aniya ang tamang panahon para mamaalam na ang mga ito sa bansa.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, hinding hindi na siya pupunta sa Amerika dahil iinsultuhin lamang siya doon.

Hindi rin naman aniya kasalanan ng Pilipinas kung bakit ito nalayo sa China, kaya naman ngayon ay bubuo siya ng bagong daan para makamit ito.

Samantala, kinwestyon pa ni Pangulong Duterte ang pahirap na proseso para sa mga Pilipino sa tuwing pupunta ng Amerika.

Giit niya, napakaraming hinihinging mga dokumento tapos ay made-deny rin lang naman sa visa ang iba, gayong walang kahirap-hirap na nakakapasok ang mga Amerikano sa Pilipinas kung kailan man nila naisin.

Ibinahagi pa ng pangulo na minsan na rin siyang na-deny sa kaniyang application for visa kaya hindi siya nakapunta noon sa Amerika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.