Duterte: Drug war ng Pilipinas, suportado ng China
Nagpahayag ang China ng kanilang pagsuporta sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte na nasa China ngayon para sa kaniyang state visit, suportado ng China ang drug war sa bansa, pero hindi karagdagang armas ang ibibigay nilang tulong.
Giit ng pangulo, ang kailangan sa ganitong sitwasyon ay mas matinding pagpapatupad ng batas.
Handa aniya ang China na tumulong sa panggagamot, tulad ng mga kagamitan at pondo na kailangan para sa pagtatayo ng rehabilitation centers.
Nangako rin aniya ang China na susuportahan nila ang Pilipinas, maging sa paninindigan sa ibang mga bansa na tama ang ginagawa ng administrasyon.
Pinaalalahanan rin niya ang ibang mga bansa na madalas tumuligsa sa paraan ng pagsugpo niya sa iligal na droga, na may karapatan ang Pilipinas na ipagtanggol at mai-preserba ang sarili nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.