Biyahe ng Pasig river ferry, suspendido ngayong araw
Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang biyahe ng Pasig river ferry ngayong araw.
Sa anunsyo ng MMDA, wala munang biyahe ang ferry makaraang isailalim sa public storm warning signal number 1 ng PAGASA ang Metro Manila.
Samantala, sa kahabaan ng EDSA, naka-rolyo na ang mga billboard para maiwasan ang aksidente sa sandaling makaranas na ng malakas na hanging dulot ng bagyong Lawin.
Ang iba sa mga billboard ay sinimulan pang irolyo noon kasagsagan ng bagyong Karen at hindi pa muli binababa hanggang sa kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.