Bagyong “Lawin,” lalong lumakas at bumilis

By Kabie Aenlle October 19, 2016 - 05:40 AM

Lalo pang lumakas, lumawak at bumilis ang bagyong “Lawin.”

Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 535 kilometer East ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 205 kilometers per hour at pagbugso na 255 kilometers per hour, habang kumikilos sa bilis na 26 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.

Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

– Cagayan including Calayan Group of Islands
– Isabela
– Northern Aurora
– Ilocos Norte
– Iocos Sur
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– Mt. Province
– Ifugao
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Quirino

Signal No. 1 naman ang nakataas sa mga sumusunod na lugar:

– Batanes Group of Islands
– La Union
– Tarlac
– Pangasinan
– Nueva Ecija
– Rest of Aurora
– Zambales
– Pampanga
– Bulacan
– Northern Quezon including Polilio Islands
– Bataan
– Rizal
– Laguna
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Catanduanes
– Metro Manila

Sinabi rin ng PAGASA na posible na silang mag-taas ng Signal No. 3 sa susunod na weather bulletin sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Northern Aurora.

Pinaalalahanan rin nila na posibleng magkaroon ng Storm Surges na aabot sa 5 metro sa baybayin ng Cagayan kabilang na ang Calayan group of Islands, Isabela at Ilocos Norte.

Mararanasan ang heavy at paminsan-minsang intense na pag-ulan sa mga lugar na sakop ng 700 kilometer diameter ng bagyo.

Posible ring umakyat ang kategorya nito patungong super typhoon bago pa man mag-landfall sa Cagayan bukas ng umaga na tatawid sa Apayao at Ilocos Norte.

Inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng umaga o bukas ng gabi sakaling mapabilis ito oras na mag-landfall.

 

TAGS: Update on Typhoon Lawin, Update on Typhoon Lawin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.