Mega drug rehab, Sa Fort Magsaysay, tatanggap na ng mga surrenderees simula Nov. 15
Sisimulan nang tumanggap ng mga drug surenderee at mga drug dependents mula sa Region 3 ang itinatayong rehabilitation center sa loob ng Fort Magsaysay sa Palayan City Nueva Ecija sa November 15.
Ayon kay DILG Reg 3 director Florida Dijan, mismong si Pangulong Duterte ang magiging panauhing pandangal sa sandaling pormal na buksan ito at simulang mag-accommodate ng mga drug dependent na nagsi-suko sa rehiyon.
Ayon kay Dijan, ‘pre-fabricated’ ang materyales na ginamit sa gusali at Chinese contractor ang gumagawa.
Sa ngayon, malapit na aniyang makumpleto ang ‘Wing 1’ na mayroong anim na units o gusali at tig-dalawang palapag.
Sa umpisa, kayang mag-accommodate ng 1,100na mga drug dependents sa ‘wing 1’ sa Nobyembre at bago matapos ang taon ay target nilang doblehin ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.