Amyenda sa fireworks law suportado ng mga nagtitinda ng papuntok sa Bulacan

By Ruel Perez October 17, 2016 - 08:37 PM

Bocaue fireworks
Inquirer file photo

Sang-ayon ang mga fireworks manufacturers sa panukala ng Philippine National Police na amyendahan ang batas na nagreregulate ng paggawa at pagbebenta ng paputok sa bansa.

Ito ang naging concensus ng mga manufacturers ng paputok sa ginawang pakikipag-usap sa pamunuan ng PNP Firearms and Explosives Ofc sa pangunguna ni  S/Supt. Cesar Binag bilang kompromiso sa panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na total ban sa paputok.

Pinulong ni Binag noong Sabado ang mga opisyal at kinatawan ng Philippine Fireworks Association o FPA at Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. (PPMDAI) kasunod ng malaking sunog mula sa nakaimbak na paputok sa Bocaue, Bulacan noong nakaraang linggo na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat ng hindi bababa sa 20 katao.

Nais ni Binag na irekomenda sa kongreso na amyemdahan ang RA 7183 o ang Firecrakers and Pyrotechnics Law upang mas ma-regulate ang paggawa at pagbebenta ng paputok para narin sa kaligtasan ng lahat.

Samantala, sinabi naman ni Duterte bago lumipad patungong Brunei na ipauubaya niya sa kanyang gabinete ang pag-aaral kaugnay sa panukalang nationwide firecracker ban.

TAGS: binag, bocaue, duterte, PNP, binag, bocaue, duterte, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.