Mas marami pang drug personalities ang target ng Malacañang
Bagama’t mabagal ay naging consistent naman ang proseso sa pag aresto sa suspected drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ito ang naging reaksyon ng Malacañang sa pagkakaaresto kay Espinosa sa Abu Dhabi.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, maaring alam na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasakote na si Espinosa.
Nasa Brunei ngayon ang pangulo para sa tatlong araw na state visit.
Una rito, nagpalabas ng shoot-on-sight order ang pangulo laban kay Kerwin at sa kanyang amang si Abuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Ang mag-amang Espinosa ang sinasabing isa sa pinakamalaking mga drug supplier sa buong easrtern Visayas.
Kasama rin sila sa unang drug list na inilabas ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.