Bagyong Lawin, nasa loob na ng PAR

By Len Montaño October 17, 2016 - 06:27 PM

LAWIN 5PM
Photo from PAGASA

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Lawin na may international name na ‘Haima’ at sinabing mas malakas pa sa bagyong Karen at posibleng maging super typhoon.

Sa PAGASA bulletin Number 1, pumasok ang bagyong Lawin dakong alas singko ng hapon at huling namataan sa 1,245 kilometers east ng Legazpi City, Albay.

Taglay ng bagyo ang hangin na 175 kilometers per hour at bugsong 215 kilometers per hours.

Kumikilos ito sa direksyong west northwest sa bilis na 24 kilometers per hour.

Tinataya ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa 600 kilometer diameter ng bagyong Lawin.

Inaasahan itong tatama sa kalupaan ng Cagayan sa Huwebes ng umaga at tatawid sa Ilocos Norte at Apayao na ayon sa PAGASA ay recurve direction.

Posible itong lumabas ng PAR sa Biyernes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.