Mahigit P500M na halaga ng ari-arian at pananim sa Bicol at Cordillera, winasak ng bagyong Karen

By Ruel Perez October 17, 2016 - 01:02 PM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Pumalo na sa mahigit kalahating bilyong piso ng ari-arian, sakahan at mga pananim ang nawasak sa pananalasa nang bagyong Karen.

Ayon kay Mina Marasigan, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa sa Bicol Region at Cordillera ay nasa P572,840,513 na halaga ng mga pananim, ari-arian at livestock ang nasira.

Samantala, nanatili pa rin sa 316 na mga evacuation centers ang mahigit 5,000 pamilya o katumbas ng mahigit 24 na libong katao.

Hindi naman umano napapabayaan ang mga evacuees at nabigyan na ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot sa halagang P1.4 milyon.

Partikular na tumanggap nito ay ang mga apektadong pamilya mula sa Regions 2, 3, 4 at Bicol region.

Samantala, kasalukuyan pa ring inaalam ng NDRRMC ang umanoy pagkamatay ng tatlong katao sa Camarines Sur at Catanduanes kung ito ang mga insidenteng ito ay may kinalaman sa pananalasa ng bagyong Karen.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.