3 reported deaths, kinukimpirma pa kung dahil sa Bagyong Karen.
May tatlong reported deaths na nakuha ang mga otoridad, ayon kay Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.
Subalit sinabi ni Taguiwalo na nais muna nilang i-validate kung may kaugnayan sa Bagyong Karen ang pagkasawi ng tatlong indibidwal.
Pero batay sa report, ang isang fatality ay mula sa Bato, Camarines Sur na namatay dahil sa posibleng pagkalunod.
Samantala, nailigtas naman ang mga nawawalang mountaineers
Aabot sa mahigit siyam na libong residente ang nasa iba’t ibang evacuation centers sa kasalukuyan.
Ang mga ito ay mula sa Regions 2, 3, Calabarzon at 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.