Bagyong Karen, humina; ilang probinsya sa Luzon kasama ang Metro Manila, ibinaba na sa Signal No. 1
(UPDATE) Humina ang bagyong Karen habang binabagtas ang Central Luzon.
Batay sa 10 A.M. weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa bisinidad ng Bolinao, Pangasinan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot naman sa 200 kph.
Kumikilos ito sa direksyong west northwest sa bilis na 22 kph.
Dahil dito, nasa ilalim na lamang ng Signal No. 2 ang Pangasinan, Tarlac, Zambales, at La Union
Signal No. 1 naman sa Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, Aurora, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Bataan, Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Batangas, at Northern Quezon.
Samantala, namataan naman ang Tropical Storm na may international name na “HAIMA” sa 1,615 km East ng Visayas.
Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility, bukas na tatawagin namang ‘Lawin’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.