Pagasa: Malakas na ulan, hangin at storm surge asahan sa Bagyong Karen

By Den Macaranas, Kabie Aenlle October 15, 2016 - 12:05 AM

Karen1(Update) Dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong “Karen,” itinaas na ito ng PAGASA sa “Typhoon” category, mula sa naunang tropical cyclone lamang.

Base sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Karen sa 160 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes.

May taglay itong lakas ng hangin na 120 kilometers per hour, at pagbugso na 150 kilometers per hour, habang tinatahak ang direksyong West Northwest sa bilis lamang na 13 kilometers per hour.

Dahil dito, babala ng PAGASA na posibleng maging mapaminsala ang bagyo dahil bukod sa malakas ito, mabagal pa ang pagkilos nito.

Nagbabala ang Pagasa sa publiko sa malakas na ulan at hangin na hatid ng bagyong Karen.

Asahan na rin ang storm surge na dulot ng bagyo at baha sa mga mababang lugar.

Patuloy ang pakikipagugnayan ng Pagasa sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan para sa dagdag na mga updates.

Bagaman hindi pa tumatama sa lupa, itinaas na ang Public Storm Warning Signal No. 3 sa Catanduanes, habang Signal No. 2 naman sa Camarines Sur at Camarines Norte.

Nakataas naman ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

– Metro Manila
– Cavite
– Laguna
– Batangas
– Rizal
– Quezon
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– Zambales
– Tarlac
– Nueva Ecija
– Nueva Vizcaya
– Aurora
– Pangasinan
– Quirino
– Marinduque
– Oriental Mindoro
– Romblon
– Northern Samar
– Albay
– Sorsogon
– Masbate
– Ticao Island
– Burias Island
– Polillo Island

TAGS: Kabie Aenlle, Kabie Aenlle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.