Bagyong Karen lumakas pa; signal number 1 itinaas na sa Metro Manila
Lalo pang lumakas ang bagyong Karen at ngayon ay nasa severe tropical storm category na.
Ayon sa PAGASA, bago mag-landfall bukas sa bahagi ng Catanduanes, maari pang lumakas ang bagyo at maging isang Typhoon.
Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 2 sa Catanduanes, Camarines Norte, at Camarines Sur.
Habang signal number 1 na sa Metro Manila, Albay, Sorgsogon, Masbate, Northern Samar, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Marinduque, Aurora, Isabela, Quirino, Nueva Ecija, Bulacan, at Pampanga.
Simula mamayang gabi makararanas na ngmasungit na panahon ang Catanduanes at Camarines.
Habang mararamdaman naman ang epekto ng bagyong Karen sa Metro Manila simula bukas ng tanghali.
Sa Lunes ng hapon inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Karen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.