West Philippine Sea, tatalakayin sa state visit ni Pangulong Duterte sa China
Tiyak na uungkatin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin sa West Philippine Sea oras sa pagtungo niya sa China para sa state visit mula October 18 hanggang 21.
Gayunman sinabi ni Foreign Affairs spokesman, Asec. Charles Jose, hindi lang mabatid ng kanilang hanay kung si Pangulong Duterte o si Chinese President Xi Jinping ang unang magbubukas ng isyu.
Magugunitang sa kanyang mga pahayag, sinabi ni Pangulong Duterte na kung makaharap ang mga opisyal ng China, ihaharap nito ang arbitral ruling at hindi lalabas sa dokumento ang pag-uusapan.
Ayon kay Jose, bahala na ang pangulo sa kaniyang ‘wisdom’ at diskarte kung paano uungkatin sa mga Chinese counterparts ang usapin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.