Dalawang panibagong kaso ng Zika sa bansa, naitala sa Mandaluyong at Makati
Nadagdagan pa ng dalawa ang kaso Zika virus sa Pilipinas at ayon sa Department of Health (DOH) ang dalawang kaso ay naitala sa Metro Manila.
Sa press conference, sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial, ang dalawang panibagong kaso ay mula sa Makati City at Mandaluyong City.
Isang 42-anyos na lalaki aniya ang biktima sa Makati City habang 27-anyos naman na babae naman ang sa Mandaluyong City.
Dahil dito umakyat na sa 17 ang kabuuang bilang ng kaso ng Zika na naitatala sa bansa.
Sa nasabing bilang, 12 ay mula sa Iloilo, 1 sa Muntinlupa City, 1 sa Cebu City, 1 sa Antipolo City at tig-isa nga sa Makati at Mandaluyong.
Nilinaw naman ng kalihim na sa lahat ng mga biktima ay wala sa ospital at pawang naka-recover na.
Sinabi pa ni Ubial na ibang strain ng Zika ang nakita sa bansa kumpara sa dumapo sa South American at African Region.
Paalala naman ng kalihim na panatilihin pa rin ang pagsasagawa ng 4S o Search and destroy, self-protection measures, say no to fogging at seek early medical consultation para maiwasan ang pagdami ng lamok sa kapaligiran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.