Pull-out sa Galaxy Note 7, ikalulugi ng Samsung ng aabot sa $3 billion

By Dona Dominguez-Cargullo October 14, 2016 - 11:41 AM

note7aAabot na sa tatlong bilyong dolyar ang maidudulot na pagkalugi sa Samsung bunsod ng pag-pull out sa merkado ng kanilang Galaxy Note 7.

Ayon sa Samsung sa ikatlong quarter ng taon, nabasawan na ng $2.3 billion ang kanilang kinita at inaasahang madaragdagan pa ang pagkalugi mula buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.

Sa pagtaya ng Samsung tatagal hanggang sa January to March 2017 ang epekto sa kanila ng pull out sa Note 7.

Sa kabuuan, tinatayang nasa 2.5 million na Note 7 smartphones ang ni-recall ng Samsung sa buong mundo at karamihan ay mula sa Estados Unidos at South Korea.

Itinigil na rin ang produksyon nito bunsod ng mga kaso ng pagsabog at pagkasunog.

Nangako namanang Samsung na magpapatupad ng karampatang pagbabago sa proseso ng kanilang quality assurance upang hindi na maulit pa ang isyu sa Galaxy Note 7.

 

TAGS: Samsung Galaxy Note 7, Samsung Galaxy Note 7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.