Bagyong Karen, lumakas pa; signal number 2 nakataas na sa Catanduanes

By Dona Dominguez-Cargullo October 14, 2016 - 06:11 AM

Lalo pang lumakas ang bagyong Karen habang ito ay patuloy na lumalapit sa Bicol Region.

Huling namataan ng PAGASA ang tropical storm Karen sa 335 kilometers East ng Virac, Catanduanes at kumikilos sa direksyong west-northwest sa bilis na 13 kilometers bawat oras.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 95 kilometers bawat oras.

Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 2 sa Catanduanes at signal number 1 naman sa Polillo Island, Southern Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Northern Samar.

Sa Linggo ng tanghali ay tatama ang bagyong Karen sa kalupaan ng Quezon o Aurora.

Maari ding magtaas ng storm warning signal ang PAGASA sa Metro Manila ngayong weekend.

Magiging maulan ang panahon ngayong araw sa lalawigan ng Catanduanes at makararanas din pag-ulan na may malakas na hangin sa nalalabing bahagi ng Bicol Region, Polilio Island at sa Northern Samar.

Makararanas naman ng maulap na papawirin na may katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga lalawigan ng Quezon, Aurora at Samar.

Habang light hanggang moderate na pag-ulan at thunderstorms ang iiral sa Metro Manila, Central Luzon, nalalabing bahagi ng Calabarzon, MIMAROPA, Cagayan Valley, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.

 

 

 

TAGS: update on Tropical Storm Karen, update on Tropical Storm Karen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.