2 MMDA constable, posibleng mawalan ng trabaho dahil sa P400

By Kabie Aenlle October 14, 2016 - 04:02 AM

 

extortion-0128Maaring masibak sa trabaho ang dalawang traffic constables ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pangingikil ng P400 mula sa isang motorista.

Ayon kay MMDA Security Investigation and Intelligence Office deputy chief Manuel Gonzales, tumanggap ng tig-P200 ang mga constables na sina Wilfredo Banting at Jomar Carbonel mula sa isang hindi pa nakikilalang driver.

Inamin aniya ng dalawa ang kanilang nagawa nang mag-report sila mismo kay MMDA General Manager Tim Orbos sa kanilang headquarters.

Sinabi nina Banting at Carbonel na hiningan nila ng lagay ang motorista kapalit nang hindi nila pagbibigay ng ticket dito matapos pumasok sa isang one-way na kalsada.

Nabisto ang ginawa ng dalawa nang makuhanan sila ng litrato ng isang concerned citizen at nagsumbong sa otoridad.

Sa ngayon ay isinailalim pa sa imbestigasyon ang dalawa para sa pagsasampa ng kasong administratibo at posibleng pagkakasibak sa serbisyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.