Bilang ng mahihirap na pamilya, bumaba ayon sa SWS survey

By Kabie Aenlle October 14, 2016 - 04:49 AM

 

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Apat sa sampung pamilyang Pilipino na lang ang nagsasabi na sila ay mahirap.

Ito ay batay sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong September 24 hanggang 27 sa 1,200 respondents.

Katumbas ito ng tinatayang nasa 9.4 milyong pamilya o 42 percent self-rated poverty incidence na itinuturing na record low mula sa 43 percent na naitala noong Marso 2010.

Ito ay mas mababa rin kumpara sa nasa 10.5 milyong pamilyang o 45 percent na nagsabing sila ay mahirap noon lamang buwan ng Hunyo.

Samantala, 6.7 milyon naman o 30 percent ng mga pamilyang Pilipino ang ikinukonsidera ang kanilang mga sarili na “food-poor,” na mas mababa kung ikukumpara sa 6.9 milyong naitala rin noong Hunyo.

Pinakamarami ang nagsabing sila ay food-poor sa Visayas kung saan 56 percent ang naitala, habang 41 percent naman sa Mindanao, 34 percent sa ibang bahagi ng Luzon at 20 percent sa Metro Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.