Ex-councilor sa Agusan del Sur arestado; P177K na halaga ng shabu nasabat
Timbog ang isang dating konsehal ng Bunawan, Agusan del Sur sa isinagawang anti-drug raid ng pulisya, kung saan nasabat rin ang P177,000 na halaga ng shabu.
Sinalakay ng otoridad ang tahanan ng dating konsehal na si Leonardo Barrios Jr., na anak pa ng dating alkalde na si Leonardo Sr.
Ito na ayon sa pulisya ang pangalawang pinakamaraming nasabat na shabu sa raid, matapos nilang salakayin noong nakaraang linggo ang isa ring bahay sa Brgy. Consuelo sa Bunawan.
Aabot sa P4.8 million ang halaga ng nasabat na shabu sa naunang raid.
Ayon kay Agusan del Sur police director Senior Supt. Joseph Plaza, ikinukonsidera nila si Barrios na isang high-value target na kasama rin aniya sa kanilang drug watchlist.
Sa ngayon ay inihahanda na ang mga kasong isasampa laban kay Barrios, habang dinala naman na sa CARAGA regional police office sa Butuan City ang 15 gramo ng shabu na nasamsam mula sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.