Handa si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na makipag-ayos sa naka-alitan nito at muntik nang makasuntukan na si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay.
Sinabi ni Barbers na bukas siyang makipag-usap kay Pichay sa labas ng Kamara para resolbahin ang kanilang gusot.
Para pa kay Barbers, hindi niya minamasama ang plano ni Pichay na magsampa ng ethics committee dahil sa umano’y conduct unbecoming.
Aniya, karapatan ng sinumang Kongresista na ireklamo ang kapwa niya Kongresista, lalo kung may maling nagawa.
Subalit nilinaw ni Barbers na wala siyang balak na maghain ng counter complaint dahil hindi naman inaasahan o sinadya ang insidente.
Dagdag ni Barbers, hindi pa rin siya magso-sorry kay Pichay dahil ang nangyari ay sagutan lamang na resulta ng ‘exasperation’ o sobra nang pagkainis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.