Nabisitang bahay sa “Oplan Tokhang” ng PNP umabot na sa 2 milyon

By Dona Dominguez-Cargullo October 13, 2016 - 11:19 AM

Umabot na sa mahigit dalawang milyong bahay ang nabisita ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng kanilang “Oplan Tokhang” project.

Sa datos ng PNP as of 6:00 AM ngayong araw, October 13, umabot na sa kabuuang 2,000,704 ang mga nakatok na bahay sa buong bansa.

Nagresulta din ito sa kusang pagsuko ng 740,245 drug suspects kung saan 686,537 ang umaming users at 53,708 naman ang umaming pushers.

Samantala, mula Hulyo hanggang ngayong araw, umabot naman na sa 29,274 ang bilang ng mga naisagawang anti-illegal drug operations ng PNP.

Sa nasabing mga operasyon, 1,573 na drug suspects ang napatay habang 28,234 naman ang nadakip.

 

 

TAGS: Oplan Tokhang, PNP, Oplan Tokhang, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.