Lumalabas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na 86 percent ng 1,200 na respondents nila ang sumusuporta sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga.
Hindi naman sang-ayon ang 3 percent sa mga na-interview, habang 11 percent ang hindi sigurado sa kanilang sagot.
Ito ang resulta ng survey na isinagawa ng Pulse Asia mula September 25 hanggang October 1, na kaparehong panahon nang isagawa ang trust survey kung saan lumabas na 86 percent ang may tiwala sa pangulo.
Pinakamataas ang porsyento ng sumusuporta sa laban ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga sa Mindanao kung saan nakapagtala ng 93 percent, habang sa Metro Manila naman ay 80 percent, 84 percent sa natitirang bahagi ng Luzon at 88 percent sa Visayas.
Ayon sa Pulse Asia, nangangahulugan ng “big trust” ang nakuhang 86 percent ni Duterte na bahagyang bumaba mula sa record-high nitong 91 percent noong Hulyo.
Noong nakaraang linggo naman, nakakuha ng “very good” na +64 net satisfaction rating, at “excellent” +76 public trust rating si Duterte base sa survey ng Social Weather Stations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.