Ambassador Goldberg ng US, pinarangalan ng Kamara
Binigyan ng parangal sa Kamara si US Ambassador Phillip Goldberg bilang pagkilala sa kontribusyon nito sa bansa.
Ang ‘Golden Mace Award’ ay ibinigay mismo ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa outgoing ambassador ng Amerika.
Sa maikling press briefing sa Kamara, tumanggi naman si Goldberg na magkomento sa mga banat sa kanya ni Pangulong Duterte.
Giit ni Goldberg isa siyang diplomat at mas mabuting tumutok na lang sa mga bagay na dapat nilang gawin.
Ayaw rin nitong pag usapan ang posibilidad na matapos na ang VFA o Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Nais aniya nilang ipagpatuloy pa ang kanilang commitment sa Pilipinas sa kabila.
Matatandaang tinawag na ‘gay’ ni Pangulong Duterte si Goldberg sa isa sa mga talumpati nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.