Pelikulang ‘Ma Rosa’ ni Brillante Mendoza pasok sa 85 official entries para sa best foreign language film sa Oscar
Inanunsyo na ng “The Academy” ang mga pelikula mula sa 85 mga bansa na pasok at maglalaban-laban para sa best foreign language film category sa Oscar.
Napasama ang Pilipinas sa mahigit 80 bansa na nakapasok sa kategorya, para sa pelikulang ‘Ma Rosa’ ni Brillante Mendoza na pinagbibidahan ng aktres na si Jaclyn Jose.
Kalalabas lamang ng listahan na inilagay sa website ng Oscars.
Makakalaban ng ‘Ma Rosa’ ang iba pang entries mula sa iba’t ibang mga bansa gaya ng Albania, Australia, Brazil, Cambodia, Egypt, France, Germany, Hong Kong, Iran, Hungary, Nepal, Saudi Arabia, Venezuela at marami pang iba.
Ang kompetisyon para sa Foreign Language Film category sa Oscar ay unang isinagawa noong 1956, at ipagdiriwang ngayon ang ika-60 anibersaryo nito.
Ang 89th Oscars at gaganapin sa February 26, 2017 sa Dolby Theater sa Hollywood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.